Huwebes, Disyembre 26, 2013

Beautiful You Chapter 4

Chapter 4  
Chloe's POV

OMG. Parang kilala ko 'tong boses na ito. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at sa aking paglingon bumungad sa aking mga mata ang nakangiting si Jerome. Anong ginagawa ng isang 'to dito sa Pilipinas? Sinusundan niya ba ako? Haayy, di ko na naman ma-eenjoy ang school year ko na ito.

"alam ko yang tingin na yan chloe" ang nangiting tugon ni Jerome. "alam kong naguguluhan ka kung bakit ako nandito right?. Marahan akong napatango. "Nandito ako dahil lumipat din ako sa school na ito. Nung nalaman kong lilipat ka sa Piipinas, nagpaalam din ako sa mga magulang ko na lilipat din ako rito para makasama ko ang "My Love" ko". Pagkatapos niyang bigkasin iyon ay hinawakan niya ang aking mga kamay.

Kinilabutan ako sa kanya. Grabe yung titig niya sa akin. Talagang may pagnanasa. Nakakadiri. Di ko namamalayan na masyado na palang matagal ang paghahawakan namin ng kamay dahil sa nawala ako sa aking sarili. Natauhan lang ako ng may nakita akong taong papalapit di kalayuan pero nakikita kong nakakunot ang noo sa likod ni Jerome, si Jason. Kaya bago niya pa ito Makita pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni Jerome sa akin. Pero wait, bakit ba ako natatakot na makita ni Jason na magkahawak kami ng kamay? Ah, basta kailangan ko ng tanggalin ito kasi nagugutom na ako.

"Ano ba Jerome, bitawan mo nga ako". Ayaw kasi talagang tanggalin ni Jerome. "Pare, tanggalin mo yang kamay mo sa future wife ko". Ang tila may galit na pagakakabigkas ni Jacob.


"Anong sabi ni Jacob? wife?" naguluhan ako sa sinabi ni Jacob pero iwinaksi ko na lamang iyon dahil sa sitwasyong aking hinaharap. Alam kong ginawa lang yun ni Jacob para tanggalin ni Jerome ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

Pero di pa rin tinanggal ni Jerome,, pilit ko pa rin itong tinatanggal. Ang kulit talaga ng isang ito. "Ayaw ko nga, sa akin lang si Chloe, SA AKIN, NAKUHA MO BA YUN HA? SA AKIN LANG SI CHLOE". Grabe natatakot na ako kay Jerome.

"Ayaw mo talagang tanggalin ha?". Biglang sinuntok ni Jacob si Jerome kaya napatanggal din yung pagkakahawak niya sa akin. Pero mabilis din nakatayo si Jerome kaya nasuntok niya rin si Jacob. Naguguluhan na ako. Napatulala na lang ako rito sa tabi. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Napagdesisyon kong awatin silang dalawa. Kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Ano ba tumig.." bago ko pa matapos sabihin iyon ay nakita kong papalapit na ang kamao ni Jerome sa akin kaya napahinti at napapikit ako. Pero walang dumapo na kamao sa aking mukha. Pagdilat ko nakita kong may kamay na nagpigil sa kamao ni Jerome na dapat ay dumapo sa ko. Pagtingin ko sa may-ari ng kamay na iyon ay si Jason pala.

Tumingin si Jason sa akin at ngumiti. Ngumiti na rin ako sa kanya. "Salamat Jason" sinsero kong sabi kay Jason. "Walang ano man yun". Pagkasabi niya nun ay hinawi niya ang kamay ni Jerome at binalingan niya sina Jacob at Jerome. "Ano ba naman kayo, para kayong mga bata. College na kayo. You should act prudently. Hindi yung ganyan nag-aaway kayo sa harap ng maraming tao." Ang pagsesermon ni Jason sa dalawa.

Pagtingin ko sa paligid, marami na palang tao. "Kayo?" sabi ni Jason sabay turo sa mga tao. "Ano pang tinitingin-tingin niyo dyan? Magsilayas na nga kayo!" pagalit na pagpapatuloy ni Jason. Nagsilayasan na nga ang mga estudyante sa palagid. Natakot ata?

Pagtingin ko sa nagsuntukan, ayun si Jacob may dugo sa labi at si Jerome naman may black eye. "Punta na nga kayong dalawa sa clinic, nakakahiya yung ginawa nyo" pagsesermon ulit ni Jason. Pumunta nga yung dalawa sa clinic. Nakasimangot pa habang tumalikod.

Yung totoo, tatay-tatayan ang peg ni Jason ngayon? Makasermon wagas. Daig pa daddy ko. Pero tama naman yung sinabi ni Jason. Napag-isip-isip ko na kasalanan ko ang nangyari. Kung di na sana ako pumalag sa pagkakahawak ni Jerome sa akin di sana sila mag-aaway. Hawak-kamay lang naman yun, di naman ako nasaktan pero nang dahil sa aking pagpapalag, ayun bugbugan ang naganap.

Nakokonsensya tuloy ako. Ano bang dapat kong gawin?

"wag mo nang isipin yung nangyari chloe, sadyang may sayad lang ata yung dalawa na miss na atang mag-ehersisyo. Hahaha. Ngiti ka naman dyan" untag sa akin ni Jason na tumatawa.

Kanina lang di to nagsasalita ah, pero ngayon kung makaasta close na close kami. FC lang si kuya hahaha Joke. Pero napangiti ako dun ha? Di ko kasi akalain na cute na rin pala siya hahaha. Kinikilig ako. Ngayon lang ako kinilig sa tanang buhay ko. Madami lalaking ganito sa akin dati pero walang nakakapagpapakilig sa akin. Crush ko na ata siya. Pangiti-ngiti kasi siya habang binibigkas niya yun kanina. Tapos pag ngumingiti pa siya, di na nakikita ang kanyang mga mata which is sobrang cute *.*a ahahah.

"Tara chloe, kain na tayo" pag-aanyaya niya sa akin.

"Tara nagugutom na rin ako ei." Pumunta na kami sa loob ng cafeteria. Wow, sobrang linis ng canteen. Ang ganda pa ng mga table settings parang pang high restaurant. Tapos, may waiter? Ngayon, mas bumilib na ako sa aking daddy. No wonder kung bakit sikat tong school na ito worldwide. Ang galing talaga ni daddy.

"Dun tayo chloe" sabi ni Jason at nakaturo sa pang-apatang table. Pumunta na kami sa table na tinuro ni Jason. Papaupo na sana kami ng biglang mag-ring ang phone niya.

"Hello? Yeah, ah, okay, I'll be there in a minute. Okay, okay, bye". Pagkatapos ng tawag ay tumingin sa akin si Jason ng malungkot. "Sorry chloe, hindi ako makakasabay sa pagkain mo. May importamte lang akong pupuntahan." Si Jason with an apology look. "Ok, lang yun Jason" ngumiti si Jason sa akin kaya ngumiti na rin ako sa kanya.

Umalis na nga si Jason kaya heto ako na lang mag-isa. May lumapit sa aking waiter at binigyan ako ng menu. May menu pa talaga ha? Sosyal naman dito. Mas sosyal pa ito sa dati kong school. Pagtingin ko sa menu. Ang sasarap ng mga pagkain sa picture. Buklat lang ako ng buklat ng biglang may nagsalita. 

"Hi, chloe right? Pwedeng makishare ng table?". Pagtingin ko, nakita ko ang dalawang nagagandahang babae. Sexy pa at mukhang mabait. "Sure, yes, I'm chloe" nakangiti kong tugon. Ngumiti na rin sila. Ah, kaklase ko pala 'tong mga ito.

"Hi chloe, ako pala si Trisha Miento" ang babaeng nagsalita kanina. Sa tingin ko madaldal at maligalig tong babaeng to. Nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito para naman magkaroon ako ng mga kaibigan sa school na ito.  

Pagkatapos naming magshakehands. Tumingin naman siya sa katabi niya. "at ito naman si Cristel Radoma". Ngumiti ako sa kanya at nag-shakehands din kami. Sa tingin ko masungit tong si cristel, di kasi ngumiti. "Pasensya kana sa babaeng ito, ganito talaga siya 'pag bagong kakilala" sabi ni trisha at ngumiti kay cristel pero inirapan lang siya nito. Hinampas naman ni trisha si cristel. Si cristel naman ay tiningnan ng masama si trisha. Tumawa na lamang si trisha. Ang kulit ng dalawang ito. Paano kaya nagkasundo tong mga ito.  

Pagkatapos nilang nagpakilala ay pinaupo ko na sila. Pagkaupo nila ay may waiter na lumapit at binigyan sila ng menu. Pero umalis din naman ito kaagad dahil may isa pa namang waiter. "Brod, ikaw na lang magbigay ng orders nila dun" sabi ni waiter na kadadating lang. "Geh, brod ako na bahala." Sabi naman ni waiter kanina.  

Pumipili na si trisha at cristel ng order nila. "Oy, girl chloe, anong napili mo?" sabi ni trisha.  

"ano raw girl?" sabi ko sa aking isipan.  

Kinurot naman si trisha ni cristel sa tagiliran at tiningnan ng may pagkahulugan ni cristel si trisha at mukhang na-gets naman iyon ni trisha.  

"Ay, sorry chloe, ang ganda mo kasi eh, mukha ka talagang babae. Naku, ang cute mo pa lalo na nung napakunot noo mo. Ang cute-cute mo talaga (sabay pisil sa aking pisngi). Alam mo girl, ay sorry, pero pwedeng girl na lang tawag ko sayo di kasi appropriate ang boy, ang sagwa pakinggan lalo na sa magandang kagaya mo. Hahaha" ang mahabang pagasalaysay ni trisha. Di ko alam na napakunot noo pala ako. Pero napangiti na lamang ako sa sinasabi nitong si trisha. Ang ligalig niya kasi, kahit ayaw kong tinatawag na girl ay napapangiti na lamang ako.  

"Trisha, umayos ka nga, kababae mong tao ganyan ka kumilos. Mahiya ka nga kay chloe. Chloe, pagpasensiyahn mo na itong lukaret na iyan." Sabi ni cristel.  

"Okay lang yun cristel, ang saya niyo ngang kasama eh. Sige trisha, you can call me girl kung yan ang gusto mo" ang nakangiti kong pahayag. Kaibigan ko naman na sila eh kaya ok lang.  

"Oh, ano order niyo? Kawawa naman itong si kuyang waiter, kanina pa naghihintay." tanong ni trisha. Ngumiti lang si kuyang waiter.  

"ok lang po ma'am" ang nakangiti naming tugon ng waiter.  

"ito sa akin" sabi ni cristel  

"Sayo chloe?" tanong ni trisha.  

"Sa totoo lang, di ako makapili" ang nahihiya kong tugon. "Ano bang masarap diyan?" dugtong ko pa.  

"lahat naman yan masarap pero ito na lang tikman mo" sabi ni trisha at sabay turo sa picture.  

"Oo nga, mukha ngang masarap" sabi kong nakangiti.  

"Paborito ko yan, at yan din ang inorder ko" sabi ni trisha.  

Nakapili na kami ng orders namin at sinabi na ni trisha sa waiter.  

"Girl ( sabay hinampas ni trisha kamay ko), pasulyap-sulyap sayo si kuyang waiter. Ang ganda mo talaga girl, tingnan mo yung mga lalaki sa paligid tingin ng tingin sa iyo. Hahaha. Talbog mo beauty namin. Kainggit ka!" ang tila kinikilig na sabi ni trisha.  

Tiningnan ko naman ang mga tao sa paligid. Oo nga nakatingin sa akin lahat pero pagtingin ko naman sa kanila ay bigla silang nagsiyukuan.  

"Girl, may boyfriend ka na ba?" tanong ni trisha bigla.  

"Ha? Ahmm.. eh.. wala pa" ang nahihiya kong tugon.  

"You mean, you're one of us?, hahahaha" nagulat ako sa sinabi ni trisha na wala rin silang boyfriend? Sa ganda nilang iyan?  

"Really, paano nangyari iyon, eh ang gaganda niyo" ang nagtataka kong tanong.  

"Naku girl, wala talagang lumalapit sa akin" ang pagtataray ni trisha.  

"Sino namang lalapit sa iyo eh kung umasta ka parang di ka babae" sabat ni cristel.  

"Bakit fre, may lumapit na sa'yo?" Ang pagkontra naman ni trisha.  

"Oo, pero di pa sila lumalapit busted na sila kaagad" ang pagtataray din ni cristel  

"Edi, ikaw na, ikaw na talaga, ikaw na talaga ang pinagpala hmm" sabi ni trisha.  

"Pero ikaw chloe, bat wala ka pang boyfriend? "Tanong ni trisha.  

"Ah, ayaw kasi ng daddy ko. May fiancé na kasi ako"  

"What????" ganito si trisha at cristel O.o  

"You mean si Mr. Redford ang may-ari ng campus na ito na daddy mo?" ang sabi ni trisha na may pakapit-kapit sa table.  

"Oo, actually ma-memeet ko na siya mamaya"  

"Girl, sayang naman yang ganda mo, di ka matitikman ng iba hahaha" sabi ni trisha pero hinampas naman kaagad siya ni cristel.  

"Ano ba yan trisha, kababae mong tao ganyan mga pinagsasabi mo. Kaya walang lumalapit sayong mga lalaki" pagsesermon ni Cristel kay trisha.  

"eh, totoo naman eh. Hayaan mo na yang mga lalaking yan. Kung ayaw nila sa akin edi wag. Magbabayad na lang ako. Hahaha Joke" sabi ni trisha.  

"Ewan ko sayo" si Cristel.  

Natatawa na lang ako sa dalawang ito. Grabe kung magbangayan.  

"Beautiful ladies, here is your orders" ang nakangiting sabi ni kuyang waiter kanina pero my kasama siyang dalawa pa ha. Siyempre di niya yun kayang mag-isa :3.  

Nilalagay niya na yung mga order namin. Nang biglang matapon yung juice sa pantalon ko.  

"ay sorry ma'am, sorry po talaga." Ang paghihingi ng pasensiya ni Kuyang waiter kanina. Ma'am pa rin kahit nakikita niyang nakapantalon ako?  

Nginitian ko na lamang siya. "It's ok" sabi ko.  

Tumayo ako. "aahmm, cristel, trisha, magpapalit lang ako." 

"Okay girl" sabi ni trisha at ngumiti lang si cristel.  

"Sorry po talaga maa'am" sabi ulit ni kuya.  

"Okay lang talaga promise" sabi ko sa kanya.

Lumabas na ako ng cafeteria at tinawagan si Mrs. Buenaflor, ang secretary ni daddy.  

Ring.. Ring.. Ring..  

Tiiittt (Sound na sinagot na yung tawag XD)  

"Hello" sabi sa kabilang linya.  

"ahmm, hello Mrs. Buenaflor this is Chloe Redford" sabi ko.  

"Owh. Hi Dear, napatawag ka?"  

"may itatanong lang po sana ako kung may locker na ba ako?"  

"ah, yes dear. Just look for 050896."  

"ahm, Mrs. Buenaflor, may extra shirts na ba dun?"  

"yes dear"  

"thank you.. bye"  

Pinutol ko na ang linya at tinungo ko na ang locker ko.  

Pagpunta ko ng locker ay hinanap ko na ang locker ko which is 050896. Ayun nakita ko na. binuksan ko na ang locker ko at kinuha ang extra uniform ko. Pagkakuha ko ay tinungo ko na ang Comfort Room para doon magbibihis. Pagkapunta ko ng Comfort Room ay naghanap ako ng unoccupied cubicle. Pumasok na ako sa cubicle at doon na nagbihis. 

Someone's POV  

"Ayan na, hahaha. huhubarin niya na. ayun hahaha.. Grabe ang puti ng legs. Ang sarap hawakan at halikan. Mapapasaakin din yan hahaha. Mapapasaakin ka rin Chloe. Mahal na ata kita. Pinapatibok mo ng ganito kabilis ang puso."

Natapos ng magbihis si chloe kaya nagmamadali na akong umalis sa Comfort Room. 

Chloe's POV  

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng Comfort Room at bumalik ako ng cafeteria para balikan si Trisha at Cristel. Pagdating kong cafeteria punta ako kaagad sa table namin. Nakita kong di pa kinakain nila trisha at cristel ang pagkain nila.  

"Bat di niyo pa kinakain pagkain niyo" tanong ko sa kanila pagdating ko.  

"Hinintay ka talaga naming para sabay na tayo" ang sabi ni trisha na nakangiti.  

"Ang sweet niyo naman" di ko mapigilang mapangiti sa inakto nila. First meet pa lang naming pero ganun na sila sa akin. I love them na talaga hahaha.

"Ganyan talaga kami sa mga kaibigan naming :)" si trisha.  

Ngumiti na rin ako sa kanila.  

Kumain na kami ng mabilisan kasi malapit na mag time for next subject. Pagkatapos naming kumain ay kaagad kaming umalis ng cafeteria. Napag-alamumalis ng cafeteria.  

Nagtungo na kami sa room namin. Buti na lang wala pa yung prof namin sa subject naming ito. Naghanap kami ng mauupuan banda sa dulo. Buti na lang walang masyadong gustong umupo sa dulong upuan. Pero kami siympre gusting-gusto para makapag-chika hahaha. 

Dumaan na ang lahat ng subjects at kasalukuyan kaming palabas ng silid. Pumunta na kami sa may parking lot. Nakita kong nagtungo si cristel at trisha sa kanya-kanyang kotse. May sarili pala silang kotse. Ako wala pa, ayaw pa kasi ng daddy ko,pero okay lang naman sa akin. Umupo na lang ako sa may waiting area ng school para hintayin ang sundo ko. Alam naman kasi nun yung oras ng uwian ko.  

"Chloe, wala ka bang sariling sasakyan?" tanong ni trisha.  

"Wala eh, hihintayin ko na lang sundo ko" sagot ko naman.  

"Sabay ka na lang sa amin?" si trisha ulit.  

"Hindi na trish, okay lang ako rito" sabay ngiti ko.  

"Wow, trish ha? But I like that hahaha"  

"Ang haba kasi pag trisha kaya trish na lang"  

Sumakay na si trisha at cristel sa mga sasakyan nila. We say goodbye first bago sila umalis. Habang naghihintay ako sa sundo ko ay biglang tumunog Cp ko. Kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan. Text lang pala ni daddy. Binuksan ko na ang mensahe at ito ang laman: "Chloe, be ready later. You will meet your fiancé. We will be having a dinner date together with his parents. I had told Dinoy( Family Driver namin) the place. Wear decently okay?" I sigh. Masasakal na talaga ako hahaha, I mean makakasal na talaga ako.  

Sa wakas dumating na rin si Manong Dinoy. Sumakay na ako sa sasakyan. Pagkauwi namin ay kaagad akong nagtungo sa room ko at nagbihis ng pambahay. Pagkatapos magbihis ay kaagad akong nagtungo sa mga damitan ko at naghanap ng magandang damit. Pagkatapos kong makahanap ay may tumunog ulit cp ko. Si daddy ulit.  

"Chloe, the dinner date was cancelled." Yun lang? pagkatapos kong maghanap ng damit ng kay tagal? Tapos cancelled lang pala!  

Para mawala ang kabadtripan ko ay nagtungo na lang ako sa kusina para kumain.  

"Manang paprepare po ng pagkain" sabi k okay manang Inday.  

Pagkatapos maprepare ng pagkain ay kumain na ako. Pagkatapos kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko at ginawa ko na ang mga damit gawin katulad ng pagbabasa ng libro at kung anu-ano pa.  

Di ko na mapigilang ipikit ang aking mga mata dahil sa kaantukan kahit nasa table pa lang ako nagbabasa. Pagod na ako para pumunta pa sa kama. Doon na ako nakatulog sa table.  

Pero bigla na lamang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko sa caller ay number lang nakalagay ibig sabihin wala sa contact ko pero sinagot ko pa rin ito.  

"Hello?" ang inaantok kong sabi. 

"Alam ko kung ano ang tinatago mong lihim." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.  

Bigla nawala ang antok ko at nabalutan ng kaba ang aking dibdib dahil sa sinabi ng lalaki. Walang sino man ang nakakaalam nun at dapat wala talagang makakaalam nun.  

"Ano ba gusto mo?" tanong ko sa kanya na kinakabahan. Para matapos na 'to alam ko namang may gusto itong makuha eh. 

"Malalaman mo na lang hahaha" pagkatapos niyang sabihin yun ay pinatay niya na ang tawag.  

Kinabahan na talaga ako. Paano kung malalaman yun ng lahat lalo na si daddy. LAGOT ako!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento