Huwebes, Disyembre 26, 2013

Beautiful You Chapter 4

Chapter 4  
Chloe's POV

OMG. Parang kilala ko 'tong boses na ito. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at sa aking paglingon bumungad sa aking mga mata ang nakangiting si Jerome. Anong ginagawa ng isang 'to dito sa Pilipinas? Sinusundan niya ba ako? Haayy, di ko na naman ma-eenjoy ang school year ko na ito.

"alam ko yang tingin na yan chloe" ang nangiting tugon ni Jerome. "alam kong naguguluhan ka kung bakit ako nandito right?. Marahan akong napatango. "Nandito ako dahil lumipat din ako sa school na ito. Nung nalaman kong lilipat ka sa Piipinas, nagpaalam din ako sa mga magulang ko na lilipat din ako rito para makasama ko ang "My Love" ko". Pagkatapos niyang bigkasin iyon ay hinawakan niya ang aking mga kamay.

Kinilabutan ako sa kanya. Grabe yung titig niya sa akin. Talagang may pagnanasa. Nakakadiri. Di ko namamalayan na masyado na palang matagal ang paghahawakan namin ng kamay dahil sa nawala ako sa aking sarili. Natauhan lang ako ng may nakita akong taong papalapit di kalayuan pero nakikita kong nakakunot ang noo sa likod ni Jerome, si Jason. Kaya bago niya pa ito Makita pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni Jerome sa akin. Pero wait, bakit ba ako natatakot na makita ni Jason na magkahawak kami ng kamay? Ah, basta kailangan ko ng tanggalin ito kasi nagugutom na ako.

"Ano ba Jerome, bitawan mo nga ako". Ayaw kasi talagang tanggalin ni Jerome. "Pare, tanggalin mo yang kamay mo sa future wife ko". Ang tila may galit na pagakakabigkas ni Jacob.


"Anong sabi ni Jacob? wife?" naguluhan ako sa sinabi ni Jacob pero iwinaksi ko na lamang iyon dahil sa sitwasyong aking hinaharap. Alam kong ginawa lang yun ni Jacob para tanggalin ni Jerome ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

Pero di pa rin tinanggal ni Jerome,, pilit ko pa rin itong tinatanggal. Ang kulit talaga ng isang ito. "Ayaw ko nga, sa akin lang si Chloe, SA AKIN, NAKUHA MO BA YUN HA? SA AKIN LANG SI CHLOE". Grabe natatakot na ako kay Jerome.

"Ayaw mo talagang tanggalin ha?". Biglang sinuntok ni Jacob si Jerome kaya napatanggal din yung pagkakahawak niya sa akin. Pero mabilis din nakatayo si Jerome kaya nasuntok niya rin si Jacob. Naguguluhan na ako. Napatulala na lang ako rito sa tabi. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Napagdesisyon kong awatin silang dalawa. Kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Ano ba tumig.." bago ko pa matapos sabihin iyon ay nakita kong papalapit na ang kamao ni Jerome sa akin kaya napahinti at napapikit ako. Pero walang dumapo na kamao sa aking mukha. Pagdilat ko nakita kong may kamay na nagpigil sa kamao ni Jerome na dapat ay dumapo sa ko. Pagtingin ko sa may-ari ng kamay na iyon ay si Jason pala.

Tumingin si Jason sa akin at ngumiti. Ngumiti na rin ako sa kanya. "Salamat Jason" sinsero kong sabi kay Jason. "Walang ano man yun". Pagkasabi niya nun ay hinawi niya ang kamay ni Jerome at binalingan niya sina Jacob at Jerome. "Ano ba naman kayo, para kayong mga bata. College na kayo. You should act prudently. Hindi yung ganyan nag-aaway kayo sa harap ng maraming tao." Ang pagsesermon ni Jason sa dalawa.

Pagtingin ko sa paligid, marami na palang tao. "Kayo?" sabi ni Jason sabay turo sa mga tao. "Ano pang tinitingin-tingin niyo dyan? Magsilayas na nga kayo!" pagalit na pagpapatuloy ni Jason. Nagsilayasan na nga ang mga estudyante sa palagid. Natakot ata?

Pagtingin ko sa nagsuntukan, ayun si Jacob may dugo sa labi at si Jerome naman may black eye. "Punta na nga kayong dalawa sa clinic, nakakahiya yung ginawa nyo" pagsesermon ulit ni Jason. Pumunta nga yung dalawa sa clinic. Nakasimangot pa habang tumalikod.

Yung totoo, tatay-tatayan ang peg ni Jason ngayon? Makasermon wagas. Daig pa daddy ko. Pero tama naman yung sinabi ni Jason. Napag-isip-isip ko na kasalanan ko ang nangyari. Kung di na sana ako pumalag sa pagkakahawak ni Jerome sa akin di sana sila mag-aaway. Hawak-kamay lang naman yun, di naman ako nasaktan pero nang dahil sa aking pagpapalag, ayun bugbugan ang naganap.

Nakokonsensya tuloy ako. Ano bang dapat kong gawin?

"wag mo nang isipin yung nangyari chloe, sadyang may sayad lang ata yung dalawa na miss na atang mag-ehersisyo. Hahaha. Ngiti ka naman dyan" untag sa akin ni Jason na tumatawa.

Kanina lang di to nagsasalita ah, pero ngayon kung makaasta close na close kami. FC lang si kuya hahaha Joke. Pero napangiti ako dun ha? Di ko kasi akalain na cute na rin pala siya hahaha. Kinikilig ako. Ngayon lang ako kinilig sa tanang buhay ko. Madami lalaking ganito sa akin dati pero walang nakakapagpapakilig sa akin. Crush ko na ata siya. Pangiti-ngiti kasi siya habang binibigkas niya yun kanina. Tapos pag ngumingiti pa siya, di na nakikita ang kanyang mga mata which is sobrang cute *.*a ahahah.

"Tara chloe, kain na tayo" pag-aanyaya niya sa akin.

"Tara nagugutom na rin ako ei." Pumunta na kami sa loob ng cafeteria. Wow, sobrang linis ng canteen. Ang ganda pa ng mga table settings parang pang high restaurant. Tapos, may waiter? Ngayon, mas bumilib na ako sa aking daddy. No wonder kung bakit sikat tong school na ito worldwide. Ang galing talaga ni daddy.

"Dun tayo chloe" sabi ni Jason at nakaturo sa pang-apatang table. Pumunta na kami sa table na tinuro ni Jason. Papaupo na sana kami ng biglang mag-ring ang phone niya.

"Hello? Yeah, ah, okay, I'll be there in a minute. Okay, okay, bye". Pagkatapos ng tawag ay tumingin sa akin si Jason ng malungkot. "Sorry chloe, hindi ako makakasabay sa pagkain mo. May importamte lang akong pupuntahan." Si Jason with an apology look. "Ok, lang yun Jason" ngumiti si Jason sa akin kaya ngumiti na rin ako sa kanya.

Umalis na nga si Jason kaya heto ako na lang mag-isa. May lumapit sa aking waiter at binigyan ako ng menu. May menu pa talaga ha? Sosyal naman dito. Mas sosyal pa ito sa dati kong school. Pagtingin ko sa menu. Ang sasarap ng mga pagkain sa picture. Buklat lang ako ng buklat ng biglang may nagsalita. 

"Hi, chloe right? Pwedeng makishare ng table?". Pagtingin ko, nakita ko ang dalawang nagagandahang babae. Sexy pa at mukhang mabait. "Sure, yes, I'm chloe" nakangiti kong tugon. Ngumiti na rin sila. Ah, kaklase ko pala 'tong mga ito.

"Hi chloe, ako pala si Trisha Miento" ang babaeng nagsalita kanina. Sa tingin ko madaldal at maligalig tong babaeng to. Nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito para naman magkaroon ako ng mga kaibigan sa school na ito.  

Pagkatapos naming magshakehands. Tumingin naman siya sa katabi niya. "at ito naman si Cristel Radoma". Ngumiti ako sa kanya at nag-shakehands din kami. Sa tingin ko masungit tong si cristel, di kasi ngumiti. "Pasensya kana sa babaeng ito, ganito talaga siya 'pag bagong kakilala" sabi ni trisha at ngumiti kay cristel pero inirapan lang siya nito. Hinampas naman ni trisha si cristel. Si cristel naman ay tiningnan ng masama si trisha. Tumawa na lamang si trisha. Ang kulit ng dalawang ito. Paano kaya nagkasundo tong mga ito.  

Pagkatapos nilang nagpakilala ay pinaupo ko na sila. Pagkaupo nila ay may waiter na lumapit at binigyan sila ng menu. Pero umalis din naman ito kaagad dahil may isa pa namang waiter. "Brod, ikaw na lang magbigay ng orders nila dun" sabi ni waiter na kadadating lang. "Geh, brod ako na bahala." Sabi naman ni waiter kanina.  

Pumipili na si trisha at cristel ng order nila. "Oy, girl chloe, anong napili mo?" sabi ni trisha.  

"ano raw girl?" sabi ko sa aking isipan.  

Kinurot naman si trisha ni cristel sa tagiliran at tiningnan ng may pagkahulugan ni cristel si trisha at mukhang na-gets naman iyon ni trisha.  

"Ay, sorry chloe, ang ganda mo kasi eh, mukha ka talagang babae. Naku, ang cute mo pa lalo na nung napakunot noo mo. Ang cute-cute mo talaga (sabay pisil sa aking pisngi). Alam mo girl, ay sorry, pero pwedeng girl na lang tawag ko sayo di kasi appropriate ang boy, ang sagwa pakinggan lalo na sa magandang kagaya mo. Hahaha" ang mahabang pagasalaysay ni trisha. Di ko alam na napakunot noo pala ako. Pero napangiti na lamang ako sa sinasabi nitong si trisha. Ang ligalig niya kasi, kahit ayaw kong tinatawag na girl ay napapangiti na lamang ako.  

"Trisha, umayos ka nga, kababae mong tao ganyan ka kumilos. Mahiya ka nga kay chloe. Chloe, pagpasensiyahn mo na itong lukaret na iyan." Sabi ni cristel.  

"Okay lang yun cristel, ang saya niyo ngang kasama eh. Sige trisha, you can call me girl kung yan ang gusto mo" ang nakangiti kong pahayag. Kaibigan ko naman na sila eh kaya ok lang.  

"Oh, ano order niyo? Kawawa naman itong si kuyang waiter, kanina pa naghihintay." tanong ni trisha. Ngumiti lang si kuyang waiter.  

"ok lang po ma'am" ang nakangiti naming tugon ng waiter.  

"ito sa akin" sabi ni cristel  

"Sayo chloe?" tanong ni trisha.  

"Sa totoo lang, di ako makapili" ang nahihiya kong tugon. "Ano bang masarap diyan?" dugtong ko pa.  

"lahat naman yan masarap pero ito na lang tikman mo" sabi ni trisha at sabay turo sa picture.  

"Oo nga, mukha ngang masarap" sabi kong nakangiti.  

"Paborito ko yan, at yan din ang inorder ko" sabi ni trisha.  

Nakapili na kami ng orders namin at sinabi na ni trisha sa waiter.  

"Girl ( sabay hinampas ni trisha kamay ko), pasulyap-sulyap sayo si kuyang waiter. Ang ganda mo talaga girl, tingnan mo yung mga lalaki sa paligid tingin ng tingin sa iyo. Hahaha. Talbog mo beauty namin. Kainggit ka!" ang tila kinikilig na sabi ni trisha.  

Tiningnan ko naman ang mga tao sa paligid. Oo nga nakatingin sa akin lahat pero pagtingin ko naman sa kanila ay bigla silang nagsiyukuan.  

"Girl, may boyfriend ka na ba?" tanong ni trisha bigla.  

"Ha? Ahmm.. eh.. wala pa" ang nahihiya kong tugon.  

"You mean, you're one of us?, hahahaha" nagulat ako sa sinabi ni trisha na wala rin silang boyfriend? Sa ganda nilang iyan?  

"Really, paano nangyari iyon, eh ang gaganda niyo" ang nagtataka kong tanong.  

"Naku girl, wala talagang lumalapit sa akin" ang pagtataray ni trisha.  

"Sino namang lalapit sa iyo eh kung umasta ka parang di ka babae" sabat ni cristel.  

"Bakit fre, may lumapit na sa'yo?" Ang pagkontra naman ni trisha.  

"Oo, pero di pa sila lumalapit busted na sila kaagad" ang pagtataray din ni cristel  

"Edi, ikaw na, ikaw na talaga, ikaw na talaga ang pinagpala hmm" sabi ni trisha.  

"Pero ikaw chloe, bat wala ka pang boyfriend? "Tanong ni trisha.  

"Ah, ayaw kasi ng daddy ko. May fiancé na kasi ako"  

"What????" ganito si trisha at cristel O.o  

"You mean si Mr. Redford ang may-ari ng campus na ito na daddy mo?" ang sabi ni trisha na may pakapit-kapit sa table.  

"Oo, actually ma-memeet ko na siya mamaya"  

"Girl, sayang naman yang ganda mo, di ka matitikman ng iba hahaha" sabi ni trisha pero hinampas naman kaagad siya ni cristel.  

"Ano ba yan trisha, kababae mong tao ganyan mga pinagsasabi mo. Kaya walang lumalapit sayong mga lalaki" pagsesermon ni Cristel kay trisha.  

"eh, totoo naman eh. Hayaan mo na yang mga lalaking yan. Kung ayaw nila sa akin edi wag. Magbabayad na lang ako. Hahaha Joke" sabi ni trisha.  

"Ewan ko sayo" si Cristel.  

Natatawa na lang ako sa dalawang ito. Grabe kung magbangayan.  

"Beautiful ladies, here is your orders" ang nakangiting sabi ni kuyang waiter kanina pero my kasama siyang dalawa pa ha. Siyempre di niya yun kayang mag-isa :3.  

Nilalagay niya na yung mga order namin. Nang biglang matapon yung juice sa pantalon ko.  

"ay sorry ma'am, sorry po talaga." Ang paghihingi ng pasensiya ni Kuyang waiter kanina. Ma'am pa rin kahit nakikita niyang nakapantalon ako?  

Nginitian ko na lamang siya. "It's ok" sabi ko.  

Tumayo ako. "aahmm, cristel, trisha, magpapalit lang ako." 

"Okay girl" sabi ni trisha at ngumiti lang si cristel.  

"Sorry po talaga maa'am" sabi ulit ni kuya.  

"Okay lang talaga promise" sabi ko sa kanya.

Lumabas na ako ng cafeteria at tinawagan si Mrs. Buenaflor, ang secretary ni daddy.  

Ring.. Ring.. Ring..  

Tiiittt (Sound na sinagot na yung tawag XD)  

"Hello" sabi sa kabilang linya.  

"ahmm, hello Mrs. Buenaflor this is Chloe Redford" sabi ko.  

"Owh. Hi Dear, napatawag ka?"  

"may itatanong lang po sana ako kung may locker na ba ako?"  

"ah, yes dear. Just look for 050896."  

"ahm, Mrs. Buenaflor, may extra shirts na ba dun?"  

"yes dear"  

"thank you.. bye"  

Pinutol ko na ang linya at tinungo ko na ang locker ko.  

Pagpunta ko ng locker ay hinanap ko na ang locker ko which is 050896. Ayun nakita ko na. binuksan ko na ang locker ko at kinuha ang extra uniform ko. Pagkakuha ko ay tinungo ko na ang Comfort Room para doon magbibihis. Pagkapunta ko ng Comfort Room ay naghanap ako ng unoccupied cubicle. Pumasok na ako sa cubicle at doon na nagbihis. 

Someone's POV  

"Ayan na, hahaha. huhubarin niya na. ayun hahaha.. Grabe ang puti ng legs. Ang sarap hawakan at halikan. Mapapasaakin din yan hahaha. Mapapasaakin ka rin Chloe. Mahal na ata kita. Pinapatibok mo ng ganito kabilis ang puso."

Natapos ng magbihis si chloe kaya nagmamadali na akong umalis sa Comfort Room. 

Chloe's POV  

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng Comfort Room at bumalik ako ng cafeteria para balikan si Trisha at Cristel. Pagdating kong cafeteria punta ako kaagad sa table namin. Nakita kong di pa kinakain nila trisha at cristel ang pagkain nila.  

"Bat di niyo pa kinakain pagkain niyo" tanong ko sa kanila pagdating ko.  

"Hinintay ka talaga naming para sabay na tayo" ang sabi ni trisha na nakangiti.  

"Ang sweet niyo naman" di ko mapigilang mapangiti sa inakto nila. First meet pa lang naming pero ganun na sila sa akin. I love them na talaga hahaha.

"Ganyan talaga kami sa mga kaibigan naming :)" si trisha.  

Ngumiti na rin ako sa kanila.  

Kumain na kami ng mabilisan kasi malapit na mag time for next subject. Pagkatapos naming kumain ay kaagad kaming umalis ng cafeteria. Napag-alamumalis ng cafeteria.  

Nagtungo na kami sa room namin. Buti na lang wala pa yung prof namin sa subject naming ito. Naghanap kami ng mauupuan banda sa dulo. Buti na lang walang masyadong gustong umupo sa dulong upuan. Pero kami siympre gusting-gusto para makapag-chika hahaha. 

Dumaan na ang lahat ng subjects at kasalukuyan kaming palabas ng silid. Pumunta na kami sa may parking lot. Nakita kong nagtungo si cristel at trisha sa kanya-kanyang kotse. May sarili pala silang kotse. Ako wala pa, ayaw pa kasi ng daddy ko,pero okay lang naman sa akin. Umupo na lang ako sa may waiting area ng school para hintayin ang sundo ko. Alam naman kasi nun yung oras ng uwian ko.  

"Chloe, wala ka bang sariling sasakyan?" tanong ni trisha.  

"Wala eh, hihintayin ko na lang sundo ko" sagot ko naman.  

"Sabay ka na lang sa amin?" si trisha ulit.  

"Hindi na trish, okay lang ako rito" sabay ngiti ko.  

"Wow, trish ha? But I like that hahaha"  

"Ang haba kasi pag trisha kaya trish na lang"  

Sumakay na si trisha at cristel sa mga sasakyan nila. We say goodbye first bago sila umalis. Habang naghihintay ako sa sundo ko ay biglang tumunog Cp ko. Kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan. Text lang pala ni daddy. Binuksan ko na ang mensahe at ito ang laman: "Chloe, be ready later. You will meet your fiancé. We will be having a dinner date together with his parents. I had told Dinoy( Family Driver namin) the place. Wear decently okay?" I sigh. Masasakal na talaga ako hahaha, I mean makakasal na talaga ako.  

Sa wakas dumating na rin si Manong Dinoy. Sumakay na ako sa sasakyan. Pagkauwi namin ay kaagad akong nagtungo sa room ko at nagbihis ng pambahay. Pagkatapos magbihis ay kaagad akong nagtungo sa mga damitan ko at naghanap ng magandang damit. Pagkatapos kong makahanap ay may tumunog ulit cp ko. Si daddy ulit.  

"Chloe, the dinner date was cancelled." Yun lang? pagkatapos kong maghanap ng damit ng kay tagal? Tapos cancelled lang pala!  

Para mawala ang kabadtripan ko ay nagtungo na lang ako sa kusina para kumain.  

"Manang paprepare po ng pagkain" sabi k okay manang Inday.  

Pagkatapos maprepare ng pagkain ay kumain na ako. Pagkatapos kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko at ginawa ko na ang mga damit gawin katulad ng pagbabasa ng libro at kung anu-ano pa.  

Di ko na mapigilang ipikit ang aking mga mata dahil sa kaantukan kahit nasa table pa lang ako nagbabasa. Pagod na ako para pumunta pa sa kama. Doon na ako nakatulog sa table.  

Pero bigla na lamang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko sa caller ay number lang nakalagay ibig sabihin wala sa contact ko pero sinagot ko pa rin ito.  

"Hello?" ang inaantok kong sabi. 

"Alam ko kung ano ang tinatago mong lihim." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.  

Bigla nawala ang antok ko at nabalutan ng kaba ang aking dibdib dahil sa sinabi ng lalaki. Walang sino man ang nakakaalam nun at dapat wala talagang makakaalam nun.  

"Ano ba gusto mo?" tanong ko sa kanya na kinakabahan. Para matapos na 'to alam ko namang may gusto itong makuha eh. 

"Malalaman mo na lang hahaha" pagkatapos niyang sabihin yun ay pinatay niya na ang tawag.  

Kinabahan na talaga ako. Paano kung malalaman yun ng lahat lalo na si daddy. LAGOT ako!

Linggo, Disyembre 22, 2013

Beautiful You Chapter 3

Beautiful You
CHAPTER 3: Chloe’s Side
Chloe's POV
Tapos na yung graduation naming at nandito na nga kami sa pinas to meet my future, you know? 

Nagging outstanding student nga ako, pero wala man lamang congratulations mula sa aking daddy. 

Nakakalungkot talaga. Kahit ginagawa ko na lahat-lahat pero wala man lamang siyang sinasabing, "Anak, congratulations.

Kahit di ko gusto, basta utos ng daddy ko.

Tokx3.. 

Maid: Chloe, naghihintay na ang iyong daddy sa hapag.

"opo manang"

bumaba na nga ako at pumunta nan g dining room. Nagagalit kasi si daddy pag pinaghihitay yung pagkian.

Umupo na ako sa aking upuan at kumain.

As usual, ang dami na naming pagkain kahit kaming dalawa ng dad ko.

Habang ako ay kumakain, biglang nagsalita ang aking daddy.

Daddy: "chloe, you will be studying your college years at our school. So be ready"

"Yes dad." Ang tugon ko.

"Be sure that you will be the top in your class"

"yes dad"

Haest, ang hirap talaga ng buhay ko, puro na lang yes dad, yes dad. Wala talaga akong kalayaan ditto sa bahay nato. Pero wala naman akong magagawa. Si daddy ang nagpalaki sa akin. Siya ang nagbihis sa akin. Siya ang nagpapakain sa akin. Siya ang nagpapaaral sa akin. In short siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa mundong ito. Kaya wala akong karapatang magreklamo. Pero kakayanin ko 'to. 

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa aking silid upang maglinis ng katawan. Pagkapasok ko sa aking silid ay pumunta ako agad sa aking walk in closet upang maghalungkat ng aking mga damit. Kinuha ko na lang yung simple kung damit. (Guys di ako marunong magdescribe). 

Pagkakuha ko ay deretso kaagad sa akig paliguan. Hinubad ko na aking damit at tumingin ako sa aking repleksyon na nagmumula sa salamin. Nakikita ko ang isang taong napakaputi, may singkit na mga mata, matangos na ilong, at mapula-pulang labi at pisngi. Kay gandang nilalang ang aking nakikita. Bakit kaya pinangank akong ganito? Nagmumukha akong babae. Pagkatapos kong tingnan ang aking sarili sa salamin ay binuksan ko na ang shower at ako'y nagsimula ng maligo. 

I felt fresh after bath. Wala akong magawa rito sa bahay. Wala naman akong alam ditto sa pilipinas kasi nga kakalipat pa lamang namin. Kaya ang ginawa ko ay nag-surf na lamang ako sa net tungkol sa school na pagmamay-ari ng aking daddy. Pagtingin ko sa artikulo na nagmumula sa net ay nabasa kong napakasikat nga talaga ng school naming. Sa ibang site naman ay ranking ng bawat school at nakita kong nangunguna ito sa buong Pilipinas. Napakagandang pasilidad, mga program, classrooms at iba pa. 

Nabasa ko rin ditto ang artikulo tungkol sa aking ama. Ayon ditto na napakagaling dawn a business man ng aking ama, napakabait din daw niya, matulungin at maramin pang iba. Natuwa naman ako sa aking mga nabasa kahit ganun man ako tratuhin ng aking ama ay mahal ko pa rin yun. 

Nang ako'y nagsawa na, pumunta na lamang ako sa entertainment room para manuod ng "Wizards of Waverly Place". Gusting-gusto ko kasi yung mga adventures, challenges, at fantasies na movies. Natapos ko na ang movie, and all I can say is very nice movie. Pagkatapos kong manuod ay naglibot-libot ako rito sa buong bahay.  

Grabe napakalaki pala ng bahay naming ditto sa Pilipinas. Napuntahan ko na ang hardin sa aming bahay at grabe, wala akong masabi sa sobrang ganda ng paligid. Nagmumukhang paradise an gaming hardin. And daming naglalakihang puno, may mga iba't-ibang bulaklak nan aka-organize baa yon sa kanilang kulay, at ang daming butterflies sa paligid. Grabe gusto ko na ritong tumambay. 

Sunod kong pinuntahan ang playground. Grabe may basketball court, may swimming pool, may soccer field, may badminton court, tennis lawn, at sa may bandang gilid nandun ang table tennis. Sa bandang likuran naman ay naroroon ang Golf Course

Pumasok na ulit ako sa bahay kasi parang aambon. Pumasok na ako sa bandang likuran ng bahay. Pagpasok ko, nakita ko rito ang mini bar naming. Umakyat na ako sa may hagdan. Pagkaakyat ko ay bumungad sa akin ang unang room na may nakasulat na Gym. So ibig sabihin may gym din ditto sa bahay. Sa sunod na silid ay nakita kong nakalagay sa taas na Movie Room. Grabe, anong klaseng bahay ito napakalaki at napakaganda. 

Kinaagabihan ay di umuwi ang aking daddy dahil siguro sa sobrang busy. Kaya ako lang tuloy kumain mag-isa. Ako lang kumaing mag-isa sa napakahabang lamesa na ito. Bakit kasi ako lang ,ag-isang anak ng aking daddy. 

Oo nga pala, bukas na ang aming pasukan. Di na ako nag-enroll siyempre school naming yun eh. Pero kinakabahan ako. Mababait kaya ang mga tao dun? Matatanggap kaya nila ako? Excited na ako. Ito kasi ang unang pagkakataon na lumipat ako ng bagong eskwelahan.  

Kaya pagkatapos kong kumain ay dumiretso kaagad ako sa aking silid para maghanda. 

Uniform -Check 

Does it ironed already? - Yes, check. 

Shoes-check 

Is it shiny? - Yes, check. 

How 'bout the school's materials, is it already fixed in my bag? - Yes, Check. 

I'm so excited. 

Naputol lang ang aking excitement when someone's calling my phone. Tiningnan ko 'to at tumatawg sa akin ang bwiset na si Jerome. "Hi babe, what are you doin' right now? Are you missing me?" ang kapal naman ng pagmumukha ng isang 'to. "Sorry, but I don't miss you. You're nothing in my life. Just please leave me alone!" and I hang up the phone. 

Grabeh talaga yung lalaking yun. 

"I'll never go far away from you  
Even the sky will tell you  
That i need you so  
For this is all i know  
I'll never go far away from you" 

May tumatawag ulit but this time si daddy na. "Hello, honey?" sa kabilang linya. 

"Yes dad?" 

"You will be meeting your fiancé tomorrow night so be ready and be good to him okay?" 

"Yes dad, I will." 

Haayy. Matutuloy na ata ang pagkawasak ng aking kalayaan. Nakakalungkot naming isipin na di ko pa maranasan ang magmahal ng totoo pero matatali na ako kaagad? How pathetic am I? I really can't believe that my dad did this all creep things to me. He made me miserable but still I can't hate him.  

Tama na ang drama, matutulog na ako para may lakas bukas at walang eye bags. 

Tok..tok..tok 

"Master Chloe, breakfast is ready" 

"yes yaya" 

Naghanda na ako para sa aking pagbaba.  

Bumaba na ako at nagtungo sa hapag. Nakauwi na pala kagabi si daddy. Umupo na ako sa aking upuan para magsimula ng kumain.  

Pagkatapos kong kumain ay dali-dali ako sa aking silid para maghanda, isang oras pa naman ako kung maligo. After 1 hr, natapos din ako sa pagligo. Naghanda na ako para sa aking pagpasok. Pagkatapos kong maghanda ay bumaba na ako kaagad at tinawag ko na an gaming family driver para ihatid na ako sa school. 

Grabeng laka ng kabog ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan. Excited nga talaga ako. 

Nakarating na rin ako saw akas sa school. Pinasok nan i manong ang sasakyan sa loob ng campus. Grabeh ang laki ng gate at ang taas. I wonder kung may makakaakyat pa ditto. Nang makapasok na yung sasakyan naming ay pinark na ito ni manong. Pagkapark niya ay bumaba agad siya upang pagbuksan ako. Pagbukas niya ay lumabas na ako. Sa aking paglabas, biglang... 

O.O - everyone's shock and I don't know why. 

"oh my gosh, she's so beautiful girl" I heard the girl murmurs to her friend I think. 

"yeah, she is. Ahm no I mean he is." 

"grabe girl talbog beauty ko rito" he heard to the other side. 

I can't believe this. Nakakahiya. First day of school pag-uusapan kaagad ako. 

"I think I know her?" they used tp call me her or she, but I am not. 

"Aha! She is the only child of the owner of this campus." 

"really girl? So the rumor was right?" 

"definitely, yes, she's here standing in front of us." The girl with exaggerated expression. 

Haayy.. makaaalis na nga. 

Naglakad-lakad na lamang ako, pero nararamdaman ko pa rin ang sulyap nila sa akin. Kaya aang ginawa ko ay binilisan ko na lang ang aking paglakad. 

Bell's ringing. 

I need to go to my classroom. 

Kaya nagmamadali na akong pumuntang classroom.  

Pagkapunta ko ng fourth floor, nandun kasi classroom namin, nakita kong papasok na rin yung isang prof. nakita niya ako na papunta rin sa classroom na iyon kaya hinintay niya ako. Pagkalapit ko sa kanya aay nagtanong siya sa akin. "Ikaw ba ang transferee?".  

"Yes ma'am, ako po yun."-sagot ko naman sa kanya.  

"so, you're the son of Mr. Redford" tanong niya pa ulit. 

"ahm, yes ma'am" ang nakangiti ngunit nahihiya kong pagkakasabi. 

"ok, ditto ka muna sa labas, pagtinawag na kita tsaka ka pa papasok ok?" 

"Yes, ma'am" 

Pumasok na nga si ma'am sa loob ng silid. At nung narinig ko ng tinawag niya ako ay pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko sa sili ganito silang lahat "O.O" parang nagulat. Ayaw ata sa akin ng mga kaklase ko? Pero nagpakilala pa rin ako. "Hi, I'm chloe Redford. Nice meeting you all. I hope we will be friends" sabay smile ko, nahihiya ng ako ei. Biglang napahiyaw yung mga lalaki. Kaya nagtaka ako at napatingin sa dako nila. Ang ginawa lang naman nila ay kumindat sa akin na nagpamula sa mga pisngi ko. 

"ang ganda niya dude, liligawan ko 'to, wala akong pakealam maski lalaki pa sya, grabe ang sexy" ang naririnig sabi nila. 

"ang ganda mo girl" ang sabi naman ng babaeng nasa unahan. Ngumiti na lang ako sa kanya. 

"chloe you, you may seat down there" at tinuro ni ma'am ang upuan ko. Pumunta na ako dun at napansin kong may tumingin sa akin. Yung lalaki pa lang nasa unahan ng chair ko. Ang pogi niya. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad hanggang sa naakaupo na ako. Sa aking pag-upo biglang may nagpakilala sa akin. 

"Hi, Chloe, I'm Jacob your future boyfriend" sabay ngiti. 

Ano raw? Future boyfriend. Nang marealize ko kung ano yung sinabiniya ay biglang nag-init ang aking mga pisngi. 

"wow, ang cute mo talaga at ang ganda mo" sabi niya pa ulit. Napangiti na lamang ako sa kanyang mga pinagsasabi. 

"I'm chloe naman po" ang pagpapakilala ko. 

"ang ganda ng pangalan mo, bagay na bagay sa itsura mo". Grabe tong makabanat ang lalaking ito. Pero di ako madadaan sa ganyan. 

"Pwede bang manligaw". Grabe tong si kuya, agad agad? 

"ah, eh...." Di ko alam kung ano sasabihin ko. Nahihiya kasi akong magsabi na ayaw ko. Ano ba naman itong first day of school ko. 

"okay lang, maghihintay na lang ako, pero I will show you kung paano magmahal ang isang Jacob. Sa ngayon kaibigan na lamang muna tayo. Pero asahan mong magiging akin ka rin" ang sabi ni Jacob ng may determinasyon sa tinig. 

"Friends?" tanong niya at nilahad ang kanyang kamay. 

"Friends" ang nanginging ko pang pagtanggap sa kanyang kamay. 

Pagkatpos nun ay nakinig na ako sa aming guro sa oras na iyon. Hanggang sa mag...

Kringgggggggg.... 

Bell's ringing. 

Teacher: ok, class dismiss, 

Nagsilabasan na yung mga kaklase kong babae kasi yung mga lalaki nandito pa sa room at papunta sa dako ko? 

"ahm, chloe sabay ka na sa amin?" tanong ng isa kong kaklaseng lalaki na kasama niya ata tong mga kabarkada niya. 

"Hindi chloe, sa amin ka na lang sumama" sabi pa nung ibang magkabarkada sabay hawak ng kamay ko, pero tinanggal ko kaagad, nakakahiya kasi. 

"Hindi sa amin siya samama" sabi pa nung iba. 

"Hindi sa amin"  

"Hindi sa amin" 

Naguguluhan na ako. 

"wait lang guys" sabi ni Jacob. 

"nag-usap na kami ni chloe kanina at sa AKIN siya sasama, diba chloe?" napatango na lamang ako para walang gulo. 

"sayang" ang naririnig ko pang sabi ng iba. 

"may next time pa naman ei" 

"Kung meron" ang bulong ng katabi kong si Jacob. 

"Ano yun Jacob?" di ko kasi masyadong narinig. 

"ah, wa..la.. (ang nauutal niyang pagkakasabi at di tumitingin sa aking mga mata) tara kain na lang tayo sa cafeteria" ang bigla niyang sabi. 

"ah, tara." 

"Brod tara na" untag niya dun sa lalaking nasa unahan ko. Tulala ata tong si kuya. 

"Tar.." napatigil siya sa kanyang sasabihin at tumitig sa akin. 

"ah, brod si chloe pala, sasabay sa atin, chloe si Jason bestfriend ko" pagpapakilala ni Jacob sa aming dalawa. 

"ah, hi chloe" at nakipagshakehands siya sa akin at parang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa aking kamay. Ano yun? Tanong sa aking isipan. Di pa rin tinatanggal ni Jason kamay niya. 

"ahmm, yung kamay ko po" ang nahihiya kong sabi. 

Napatulala na naman siya. 

"tara na nga chloe, mauuna na tayo" ang sabi ni Jacob. Wala na akong nagawa dahil hinawakan na ako ni Jacob sa kamay. Sumabay na lang din ako. 

Nasa bandang hagdan na kami ng tinanggal ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Jacob. Nahihiya na kasi ako. 

"ahm, Jacob thank you pala kanina." 

"saan?" 

"yung kanina, yung malapit ng mag-away mga kaklase natin dahil sa akin" 

"ah, wala yun" sabi niya sabay ngiti. 

Nakababa na kami ng hagdan at malapit na kami sa cafeteria ng biglang may nagsalita sa likuran ko. 

"Hi babe chloe!"